Ipinapataw ng Estados Unidos at mga alyado nito ang mga panggigipit sa ekonomiya (Economic Sanctions) sa mga kumokontra sa mga adhikain nilang pang-ekonomiya.
Armas ito sa giyerang pang-ekonomiya, na nagre-resulta sa kakulangan ng mga batayang pangangailangan (basic necessities), pagpapalayas sa mga tahanan, walang-humpay na pagtaas ng mga presyo, mga ‘artipisyal’ kakulangan sa pagkain, paglaganap ng sakit, at kahirapan. Sa bawat bansang nakararanas nitong nasabing panggigipit, ang mga pinakamahihirap at pinakahihinang miyembro ng lipunan – mga sanggol, bata, matatanda at may pangmatagalan (chronic) na karamdaman – ang siyang pinaka-nagdurusa.
Lumalabag sa pandaigdigang-batas (international law) ang panggigipit sa ekonomiya na ipinapataw ng US, at kinakasangakapan din ito sa mga pwersahang-pagpapalit ng mga gobyerno at rehimen (regime change). Sangkatlo (one-third) ng sangkatauhan sa 39 na bansa ang apektado. Isa itong “crime against humanity” o krimen laban sa sangkatauhan na walang pinagkaiba sa panghihimasok sa pamamagitan ng militar para pabagsakin ang mga demokratikong gobyerno at kilusan. Nagbibibgay-suportang pang-ekonomiya at pang-militar sa mga maka-US at mga maka-kanang pwersa.
Hinihimok ng paghahari ng US at ng humigit sa 800 na base-militar nito sa buong daigdig na makisangkot ang lahat ng mga bansa sa pananakal at paninikil nito sa ekonomiya ng iba pang mga bansa. Iginigiit nila na kailangang wakasan ang mga normal na relasyon sa kalakal (trade), kundi, ang mga baril ng Wall Street ay itututok sa kanila. Ang malalaking bangko at empresa kasapakat nito ang siyang pangunahing may-sala sa pagwasak ng mga komunidad natin at nagsusulong sa pandarambong (plunder) ng iba’t ibang bansa.
Matagal nang may bilang ng mga organisasyon na lumalaban sa ganitong panggigipit at giyera sa ekonomiya. NGAYON NA ang oportunidad na pagsama-samahin ang ating mga lakas para pataasin ang kamulatan sa mahalagang isyu na ito.
Kasama sa malawak na kampanya na ito ang mga protesta at demonstrasyon, ‘lobbying’ o pakikpagpulong sa mga mambabatas, ‘petition drives’ o pangangalap ng mga pirma at lahat ng anyo ng mga gawaing pang-edukasyon.
Panggigipit sa ekonomiya, nakamamatay! Panggigipit sa ekonomiya ay giyera! Panggigipit sa ekonomiya, wakasan na!
Email: info@sanctionskill.org